Pacer, buwag na!

BINUWAG NG Philippine National Police (PNP) ang 11-taon nang unit na Police Anti-Crime Emergency Response o PACER na humahawak sa mga kaso ng kidnap for ransom.

Sa en banc resolution ng National Police Commission, ipinalit sa PACER ang PNP-Anti-Kidnapping Group o (AKG) na isang regular na national operating support unit.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome, ang PNP-AKG ang magsisilbing pangunahing unit na hahawak sa mga kaso ng kidnap for ransom at hostage negotiation sa buong bansa.

Ang PNP-AKG ay pamumunuan ni Sr. Supt. Isagani Nerez, Jr. na siya ring pinuno ng binuwag na PACER.

Itinatag ang PACER noong Hulyo 2002 na nagresolba sa 113 kaso ng kidnapping sa buong bansa.

Nakaaresto rin ang PACER ng 140 KFR suspects at 165 ang napatay na mga suspek sa iba’t ibang operasyon nito.

Naibaba rin ng PACER ang insidente ng KFR sa bansa, kung saan may 82 kaso noong 2002 na naging 11 na lamang noong isang taon. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.