Pabrika ng Plastic, Natupok

AABOT SA P10-M ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy sa naganap na sunog ng pabrika ng plastic sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Sa ulat, alas-2:05 ng umaga nang magliyab ang Tats Plastic Industries sa Hermosa Compound, Dalandanan ng  lungsod na pagmamay-ari ng mag-asawang Angel at Ma. Teresita Lao.

Nahirapan ang mga rumespondeng bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa mga nakatambak na plastic sa loob at labas ng factory na kasalukuyang nasusunog nang datnan ng mga bumbero.

Dahil sa mayroong malaking fire wall ang nasabing factory, napigilan nito na kumalat ang sunog sa mga nakatira sa likuran ng pabrika.

Alas-6:30 na ng umaga nang ideklara ng mga bumbero na fire under control na ang nasabing sunog at gumamit na rin ng mga chemical na inahalo sa tubig ang mga bumbero para maapula ang iba pang nasusunog na plastic.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire ng Valenzuela kung ano ang sanhi ng sunog. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.