Pabrika, Nasunog; 2,000 Kawani, Joblessb

AABOT SA 2,100 emple-yado ang posibleng tambay muna makaraang masunog ang kanilang pinapasukang pagawaan kahapon ng umaga sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Joey Bituin, administrator ng First Cavite Industrial Corporation, alas-9 ng umaga nang magsimulang masunog ang Umex Corporation na nasa loob ng nasabing compound at pagawaan ng mga kable.

Sinabi naman ni Fire Marshall Elpido Urbano ng Bureau of Fire Protection na umabot sa ikalima ang antas ng alarma ng sunog at wala nang naisalba pa sa naturang pagawaan.

As of 12:00 noon kahapon, patuloy pa rin ang pag-apoy sa nasabing pagawaan.

Tinaya naman sa daang milyong pisong halaga ang naabo sa nasabing sunog.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.