Pablo, Humina na

HUMINA NA ang Bagyong Pablo at ibinaba na sa low pressure area (LPA) status nito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 5pm weather bulletin kahapon, namataan ang LPA sa layong 105 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Inaasahan ding hindi na magiging mapaminsala pa sa bansa ang LPA.

Matatandaang isinailalim ni Pangulong Noynoy Aquino sa state of national calamity ang bansa matapos bayuhin ng dati’y Typhoon Pablo (Bopha) ang Mindanao at ilang lalawigan sa Visayas.

Patuloy pa rin ang pagtaas ng mga nasawi sa unos kung saan huli itong naitala sa 540 habang 1,088 ang sugatan at 827 pa ang nawawala.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

One thought on “Pablo, Humina na

  1. Pingback: Pablo, Humina na - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.