Pabigat na Pasanin ng mga Vendor

 

0908-233xxxx – Idol Raffy, dito po sa Barangay Olympia, Makati City, kinokotongan po ng Barangay Administrator ang mga vendor na si Ruing Ferrer, pati na ang mga nagpa-parking sa SSS. Umiikot po siya sa lugar at na-ngongotong ng P20 araw-araw. Kapag hindi po nakapagbigay ay pinahuhuli niya sa mga tanod. Sana po ay masilip ninyo ito para matigil na ang pangongotong nito.

 

0948-750xxxx – Dito po sa Bitin Elementary School sa Laguna Bay, ginagamit na naman ang PTA para magkapera ang principal. Mag-aambag daw ang mga opisyales at miyembro para sa pagpapagawa ng kubo para sa mga bisita galing DepEd para raw po may pahingahan ang mga bisita. P100 ang ambag ng mga opisya-les, samantalang P50 naman sa mga miyembro. Hindi talaga matigil-tigil ito, Mr. Tulfo. Sana’y maiparating ito sa kinauukulan nang matigil na ang mga pangongolekta nila.

 

0908-255xxxx – Report ko lang po ang mga nagtatawag ng mga pasahero o barker dito sa may Bonifacio Drive corner 25th Street papasok sa Pier 15. Silang mga barker ang mismong snatcher. Kawawa ang mga nabibiktima na galing pa ng probinsya. Araw-araw ay may mga report na ganito sa pulisya, pero wala pa ring aksyon para matigil ang anomalyang ito.

 

0999-367xxxx – Magandang umaga po, Idol Raffy! Ilalapit ko lamang po ang dinadaing ko at ng mga kapwa ko magulang kasi araw-araw po ay sinisingil ng Talaba Elementary School sa Bacoor, Cavite ang a-ming mga anak ng P10 at P100 naman po kada Linggo. Wala na nga po silang PTA pero ito naman po ang pumalit. Nagreklamo na po kami sa mga guro pero ang sabi ay ito raw po ay para sa electric fan, walis, at Red Cross. Sana’y matulungan ninyo kami dahil baka dahil sa anomalya na ito ay hindi na makapasok ang aming mga anak.

 

0939-203xxxx – Gusto ko lamang po i-report ang talamak na video karera dito sa aming lugar sa Salivio St., Purok 4-B, Lower Bicutan. Pati po mga bata ay hinahayaan at pinapayagan nilang magsugal. Nai-report na po namin ito sa aming kagawad ngunit hindi po nila ito inaaksyunan kaya sa inyo na lang po kami lumapit. Sana po ay mapaimbestigahan ninyo ito.

 

0930-122xxxx – Good day po, Sir! Nais ko po sanang humingi ng tulong tungkol sa aking trabaho at ireklamo ang aming kumpanya sa mababang pasahod na wala man lang sa minimum wage. Isa po akong driver na sumasahod lang ng P300 at ang mga laborer ay P220 lang po. Dito po ito sa Brangay Mojica St., Makati City. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po!

 

0933-527xxxx – Magandang araw po, Boss Raffy! Gusto lang po naming ipaabot sa inyo ang problema naming mag-asawa tungkol sa passport na ayaw nang ibalik sa amin ng agency sa Baguio, Benguet at saka ang binayad sa training na hindi naman natuloy kasi inutang lang po namin iyon. Sana po ay matulungan ninyo kaming mabawi ang passport at binayad namin.

 

ANG INYONG lingkod ay mapakikinggan sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Byernes, 2:00 – 4:00pm. Ito ay kasabay na napanonood sa AksyonTV Channel 41.  Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.