Pabigat na MOA Sticker sa mga Taxi Driver

0947-617xxxx – Good day po, Sir Raffy! May ire-report po ako sa inyo. Kasi po iyong mga taxi stand po sa SM MOA, binebentahan po kami ng sticker na nagkakahalaga ng P100 isang taxi. Kung wala raw kaming sticker, ‘di raw po kami puwedeng pumila sa taxi stand. Bakit po ganu’n? ‘Yung iba po P50 lang singil, bakit po sa akin P100? Bakit po sa ibang SM malls, wala pong ganu’ng patakaran? Kapag wala namang sticker, naniningil ng P10, minsan P5. Sana po maging malinaw sa lahat ng taxi driver kung para saan po ba talaga ang sticker na ‘yun at magkano po ang totoong halaga nito.

 

0909-734xxxx – Sir, isa po akong taxi driver dito sa BF Parañaque City. Hingi po sana ako ng tulong para matigil po ang panghihingi ng mobile with body no.322 Innova dito sa BF Homes. Sana maaksyunan po ninyo ito.

 

0923-328xxxx – Magandang araw po, Idol Raffy! Ireklamo ko lang po ang school at teacher ng anak ko. Graduating student po siya ng Villamor High School. Ang pangalan po ng teacher ay si Mrs. Merlynda Manrique, English teacher ng 4th year. Inoobliga po kasi niya ang kanyang mga estudyante na mag-cosplay at pinabibili po niya ng mga costume ng mga anime character. Hindi ko po maintindihan kung bakit ito nire-require sa kanila at kung saan gagamitin.

 

0923-304xxxx – Boss Raffy, ireklamo ko lang po ang mga pulis na may mobile body no. 312 at plakang SGJ 935 dito sa San Manuel, Tarlac. Mga taga-HPG po sila na grabe mangotong sa mga truck at ang presyo nila ‘pag ayaw magpa-ticket ay P1,500.

 

0929-200xxxx – Idol Raffy, ireport ko lang po na isa po ako sa mga pasahero araw-araw na sumasakay ng jeep biyaheng Alabang-Baclaran dito sa Las Piñas. Ang mga traffic enforcer dito ay may mga alalay na tig-iisang tao na siyang tagakuha ng lagay ng mga driver ng jeep. Madalas iyan tuwing 9:30pm o 10:00pm. Sana po ma-tigil na itong pangongotong nila kasi kawawa talaga ang mga tsuper natin.

 

0943-359xxxx – Good day Sir! Grabe po ang mga nang-huhuli ng smoke belching sa Manila partikular na sa R. Papa St. Kotong na ang ginagawa ng mga ASBU rito. Pera-pera lang, pumapasa na. Baklas agad ang plaka samantalang wala pa namang result kung pasado.

 

0939-226xxxx – Magandang araw po, Sir Raffy! Irek-lamo ko sana ang trafic enforcer ng Mandaluyong na si Alvarez. Kahapon po kasi hinuli ako dahil nagbaba lang ang pahinante ko para magpa-record ng resibo. Ang sabi ng enforcer bawal daw mag-park doon. Hindi naman ako nag-park at ang in-issue niyang ticket sa akin ay Nov. 19, pero ang sa ticket ay Nov. 18 pa.

 

0906-614xxxx – Idol Raffy, good day po! Ireklamo ko po ang maling panghuhuli sa akin. May pasahero po ako galing Marikina na nagpahatid sa Dela Rosa Solaris, Makati. Pagbaba ng pasahero ko, bumaba din ako para lagyan ng tubig ang radiator ko. Pagsakay ko sa taxi, biglang may dumating na MAPA traffic at biglang hinarang ang motor sa harap ng taxi ko at tinikitan ako ng illegal parking.

 

ANG INYONG lingkod ay napakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito’y kasabay na mapapanood sa AksyonTV Channel 41. Para sa inyong sumbong o reklamo, mag-text sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

One thought on “Pabigat na MOA Sticker sa mga Taxi Driver

  1. napakinggan ko po ito s isang programa sa radio noong hapon last nov.29,2012. cguro silbing aral ito sa mga tsuper ng taxi, 5pesos lng di umubra sa singil pero kung tumaga sa pasahero sagad. mga batingting at nangongontratang mga driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published.