Pabebe Girls, gustong maging apo ni Lolo Nidora

Pabebe-GirlsKATULAD SA pamoso nilang line na “Walang makakapigil sa amin!”, mukhang wala na talagang makapipigil pa sa Pabebe Girls na kinabibilangan nina Vhellpoe Garves, Janet Ricabo, at Michelle Alfonso dahil mula sa pagiging YouTube Sensation, umaariba na rin sila sa telebisyon at sa pagkakaroon ng endorsement.
Ilan sa mga naging guestings ng Pabebe Girls ang sa Jessica Soho, kung saan una silang na-feature; at sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda, kung saan ginawan pa sila ng kanta, ang “‘Wag Kang Pabebe” at isinama pa sila sa music video nito. Nasundan pa ito ng Tunay na Buhay, Umagang Kay Ganda, Walang Tulugan With The Master Showman, LolaBasyang.Com, Wattpad, Mars, at Celebrity Bluff. Sila rin ang bagong dagdag sa pamilya ng Sir George Salon E. Rodriguez Branch na pag-aari ni Mam Karen.
Isa nga sa dream ng Pabebe Girls ang makaeksena at makasama si Lola Nidora ng sikat na kalyeserye ng Eat… Bulaga! bilang mga matataray na apo nito sa nasabing serye.
James-TengJames Teng, pambato ng Bulacan sa Starstruck

STANDOUT AMONG 35 na pumasok sa semi-finals ng Starstruck ang pambato ng Bulacan na si James Teng, 17 years old, at malaki ang resemblance sa award-winning actor na si John Estrada.
Bukod sa towering height na 5’11 at kaguwapuhan, magaling umarte, sumayaw, at kumanta ang alaga na ito ng kaibigan naming si Henry Hernandez.
Isa rin itong print ad at ramp model, kaya naman handang-handa na ito sa pagsabak sa mga challenge ng Starstruck. Wish nga raw nito na makapasok sa final 14 para raw maisakatuparan ang pangarap na maging isang ganap na artista.

Joel-Cruz-his-Twins Twins ni Lord of Scents Joel Cruz, nag-enjoy sa kanilang magazine pictorial

PROUD DADDY raw ang tinaguriang Lord of Scents na si Sir Joel Cruz sa kanyang twins na sina Prince at Princess, dahil sa sobrang bibo at biba ng mga during their pictorial para sa isang Glossy Magazines.
Tsika nga ni Sir Joel na ramdam na ramdam niya na nag-e-enjoy ang kanyang kambal sa bawat click ng camera at talaga namang super pose ang mga ito at hindi man lamang kinakitaan ng pagkamahiyain at pagkapagod.
Kaya naman daw wish nito sa paparating pa niyang twins na parehong lalaki, na sana raw ay kasing bibo rin ni Prince. Excited na nga raw ito dahil malapit na ang October at masisilayan na niya ang kanyang mga bagong babies.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleMartin del Rosario & Kylie Padilla: Keep the Faith in Love!
Next articleElla Cruz, ipinalit ni Bret Jackson kay Andi Eigenmann

No posts to display