PAANO MAG-REMIT NG KITA NG OFW?

ANG ASAWA KO po ay matagal nang nagtatrabaho sa abroad. Pamisan-minsan ay nagpapadala siya ng kita niya rito sa aming pamilya. Pinapadala niya ito sa mga bumibiyahe pauwi. Pero duda po ako kung tama ang halagang pinapadala sa amin. Itatanong ko rin po kung bakit kailangang padaanin sa bangko ang remittance niya.

—Laura ng Lingayen

ANG SAPILITANG PAGPAPADALA ng remittance ay itinatadhana ng batas. Layunin nito na may maipangtustos sa gastusin ng pamilya ng OFW. Isinasaad din ng batas na dapat padaanin sa bangko ang mga remittance. At ang nasabing obligasyon ng OFW ay nakasaad sa contract of employment sa pagitan niya at ng employer.

Bago pa man mangibang-bansa ang OFW, siya ay dapat magbukas ng account sa isang banko na dadaanan ng kanyang remittance. Obligasyon din ng employer na maglagay ng mga pasilidad sa lugar ng trabaho para makapag-remit ang manggagawa.

Narito ang porsiyento ng suweldo na dapat i-remit ng OFW sa kanilang pamilya:

Mga marino- 80% ng basic salary; mga worker sa construction- 70% ng basic salary; mga duktor, mga nurse, guro, inhinyero, at iba pang propesyunal na may libreng tirahan at pasilidad—70% ng basic salary; mga propesyunal na hindi libre ang tirahan- 50% ng basic salary; mga domestic helper at iba pang katulad na trabaho—50% ng basic salary; mga performing artist—50% ng basic salary; iba pang kategorya ng mga manggagawa—50% ng basic salary.

Dahil ‘di mo naibigay sa akin kung ano ang trabaho ng asawa mo sa abroad, pakitunghayan na lang sa itaas ang kategorya niya at halaga ng remittance.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.