‘Paano Ba’ng Mangarap’ revises script due to Jennylyn Mercado’s condition

NAKARAMDAM AKO NG lungkot nang mag-guest sa amin sa Startalk si Rommel Adducul nu’ng nakaraang Sabado dahil naalala ko si Rudy Fernandez.

Maganda ang mga pahayag ni Rommel tungkol sa mga pinagdaanan niya sa sakit na nasopharyngeal cancer na nalusutan na niya ngayon.

Maganda ang resulta ng mahigit na tatlumpong chemotheraphy sa kanya pati ang radiation na talagang masakit daw.

Mabuti na lang at malakas ang pag-asa nitong gumaling siya dahil gustong-gusto na nitong bumalik sa paglalaro ng basketball.

Ngayon, tapos na ang treatment sa kanya at maganda ang resulta kaya pinayagan na siya ng doktor na bumalik sa paglalaro.

Habang ini-interview namin si Rommel, naalala ko si Daboy na halos kasabay pa nitong na-confine sa Cardinal Santos.

Kuwento nga ng asawa ni Rommel na isa ring doktor sa Cardinal Santos, nakakausap pa raw nito minsan si Lorna Tolentino na nagbabantay noon kay Daboy.

Mabuti’t nalagpasan ito ni Rommel kaya gusto raw niyang i-share sa lahat na mga manonood na dapat malaki ang pananalig mo sa Diyos kapag dumadaan ka sa ganitong pagsubok.

Iyon na nga raw ang kinakapitan nila sa ngayon dahil naniniwala silang hindi lang ang gamot at mga doktor ang nagpagaling sa kanya, kundi ang Diyos na alam nilang nagbibigay ng lakas sa kanilang lahat.

PAGKATAPOS ISUGOD SA hospital si Jennylyn Mercado nu’ng nakaraang Martes dahil sa muntik na raw bumuka ang tahi ng kanyang caesarian operation, bumalik na ito sa trabaho nu’ng nakaraang Biyernes. Kailangan talaga siya sa taping ng Sine-novela nilang Paano Ba’ng Mangarap?

Hirap na hirap pa nga raw itong kumilos dahil masakit pa rin ang tiyan niya, pero tiniis na lang niya kundi walang mai-ere o ‘di kaya mapilitan silang mag-revise ng script.

Sabi naman ni Jennylyn nang nakausap ito ng Startalk, physical lang daw ang sakit na naramdaman niya at gagaling din daw ‘yun. Wala raw ‘yun sa mga sakit ng damdaming pinagdaanan niya.

Kaya nga sa nalalapit nitong kaarawan, ang wish niya ay sana matapos na raw ang mga problema niya lalo na ang mga kasong hinaharap niya ngayon at sana lumabas lang daw ang buong katotohanan sa lahat ng isyung kinasangkutan niya.

Sa birthday nga ni Jennylyn, magkakaroon ito ng birthday concert niya sa Music Museum sa May 14 at 16. Malapit na rin daw i-launch ang coffeetable book niya na sobrang tagal na ngang hinihintay. Pero sa susunod na buwan, talagang ilalabas na raw ang libro niya, kung saan nakalahad doon ang tungkol sa pagbubuntis niya at mga exclusive photos ng anak nila ni Patrick Garcia.

Kuwento nga ng ibang staff namin sa Startalk, sobrang guwapo raw ng anak ni Jennylyn at kamukha talaga ni Patrick pero, ayaw raw nilang sabihing kamukha ng ama. Dapat kamukha ni Jennylyn!

Mga Mata ni Lolita by Lolit Solis

Related Post

loading...

2 thoughts on “‘Paano Ba’ng Mangarap’ revises script due to Jennylyn Mercado’s condition

  1. kaya pala di pwede ipakita sa dyaryo anak nya dahil me coffeetable book sya…oo nga naman dapat mapagkaperahan mga pics kaysa lumabas lang na walang bayad…sana mabenta, good luck!

  2. kudos to jennylyn! her career has surely taken off unlike Patrick who is still in the limbo of denial with his substance dependence.

Leave a Reply

Your email address will not be published.