Paalala ng DepEd X-mas party sa eskuwelahan, gawing simple

PINAPAALALA NG Department of Education (DepEd) sa mga guro at principal sa buong bansa na dapat simple lamang ang gawin para sa pagdaraos ng Christmas party sa mga eskuwelahan.

Marami umano ang natatanggap na reklamo ng ahensiya laban sa mga guro at principal na humihingi ng malaking kontribusyon para sa gaganaping selebrasyon, base kay DepEd Secretary Armin Luistro.

Hindi pinapayagan ng DepEd ang ganitong pagdiriwang na humihingi ng malaking ha-laga. Ayon pa kay Sec. Luistro, ang pagiging makabuluhan ang mahalaga.

Maaaring managot umano ang mga eskwe-lahan na naniningil ng malaking kontribusyon sa mga estudyante, aniya ng kalihim. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.