Pa-booking na young actor, ang imbitasyon ng bading – Ogie Diaz

BLIND ITEM:  IBA na ang pananaw ng guwapong bagets actor ngayon.  Kung noon ay nagte-text ‘yan sa isang ka-close na bading ng, “Musta na? Ano gawa mo?  Kita naman tayo, o!”  ngayon, wala nang gano’n.

Understood na ang “Kita naman tayo, o!” Ang ibig sabihin, magkikita kayo at me mangyayari na.  Kasi nga, nangangailangan siya ng datung.

“Noong wala pang masyadong TV guestings ‘yan, lagi siyang naka-text sa akin,” sey ng friend naming bading, “Kasi nga, wala siyang pera.  Hindi siya binibigyan ng mommy niya.”

Sasabihin daw ng bagets, “Punta ka rito sa bahay. Sunduin mo ‘ko!”

Sabi pa ng bading, “Ay, in fairness, torrid makipaglaplapan ang lolo mo, huh!  Expertise niya ‘yan.  Ako pa mismo ang tinuturuan niya kung paano ang tamang paghigop ng laway, buka ng bibig at paglalaro ng dila niya sa buong bunganga ko!”

Talaga?

“Oo, saka daks ang lolo mo.  Me sinasabi ang kargada, pero ngayon, nagbago na siya, eh!”

Lumiit?

“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.  Daks pa rin ‘yan, kaso nga lang, ako na ang humihirit sa kanya ngayon na magkita kami, nami-miss ko na kasi. Pero deadma sa text.  Wa sa pagka-reply.

“Tapos, nagkita kami one time, sabi ko sa kanya, ‘Ano, kelan tayo magkikita uli?’ Ang sagot niya sa akin, ‘Wag na.  Ayos na ‘yung noon.  Nagbago na ‘ko.  Respetuhin mo naman ako ngayon, kasi, nagbalik-loob na ‘ko sa Diyos!’

“Me choice pa ba ‘ko?  Eh, ‘di hindi ko na kinulit, ‘no!” kuwento pa ng aming friend.

O, at least malaki na ang nabago sa pananaw ng bagets na ito.  At ngayon nga ay in-demand na siya sa pelikula at TV guestings dahil napakahusay umarte.

‘Wag n’yo nang itanong ang kanyang name dahil parang ang bastos ng dating. Mabuti na lang at bumawi siya sa apelyido niyang sosi naman ang dating.

CONGRATULATIONS SA BUMUBUO ng In My Life dahil wala yata kaming naringgan sa mga friend naming nakapanood na na-bore sila sa pelikula.  Lahat sila’y nagsasabi na napakaganda ng pelikula–iiyak at tatawa ka raw.

“Ang husay talaga nu’ng tatlo, walang itulak-kabigin,” referring to Ate Vi, John Lloyd Cruz at Luis Manzano.  Sey pa ng aming mga friends, “One-of-a-kind movie ito ni Ate Vi na talagang aantig sa puso ng bawat isa.

“Makaka-relate ka, lalo na’t nanay ka at malayo sa ‘yo ang anak mo,” sey pa nito.

Hindi pa namin ito napapanood, pero panoorin namin talaga ‘to, promise.  Ayaw naming mahuli sa mga kuwentuhan dahil magmumukha kaming tangengot kapag wala man lang kaming nai-share sa tsikahan.

Isa lang ang masasabi namin for Ate Vi.  Mahal ka talaga ni Bro, Ate Vi!

‘YUN PALANG MGA himulmol ng suot na jacket ang tumalsik sa mga mata ni Coco Martin, kaya pala naglulupasay at nagpagulong-gulong sa sahig ang aktor pagkatapos pumutok ang effects na nasa loob ng jacket niya.

Juice ko, matatapos na lamang ang Tayong Dalawa ay me ganito pang pangyayari.  At ang nakakalokah pa, isa rin sa leading men ni Maja Salvador si Coco sa Nagsimula Sa Puso, kaya sana’y mabilis siyang maka-recover.

Ngayon lang “inaani” ni Coco ang mga itinanim niyang husay sa mga indie film na ginagawa niya.  Ang aming dalangin na sana’y hindi makaapekto sa kaguwapuhan ni Coco ang mga tumalsik na something sa mukha niya.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

18 thoughts on “Pa-booking na young actor, ang imbitasyon ng bading – Ogie Diaz

  1. anu b nmn ung ngsbing c ejay..ok k lng indemand n daw s pelikula eh wla p nmn movie c ejay..so pnung mgiging xia…

    • sa STATES lang double meaning ang dingdong. di masyado bastos sa atin yan. hmmm sino kaya yan. ang OA naman magkwento ng bading. Sabagay ang mga bakla mahilig magkwento ng exag mabenta lang ang istorya.

  2. Hindi na kailangang gumimik ni Coco. Ang galing niya. I don’t cry watching soap but his episode with Lola Gets made me cry. i cried a lot. . . .Galing ni Coco.

  3. totoo ba? gimik lang daw yung kay coco para tumaas ang ratings ng malapit ng matapos ng TD?!

    • ahaha di na kelangan ng gimik anong para tumaas in 9 mos ng td 5 shows na ng kamuning ang napataob ng td mpa-mnl man or nationwide ratings pnalo..ngyon ang staiway ni doorbell ppuntang hell ang ratings…

    • hahhaa.

      Basta’t hindi sila namimigay ng sardinas at 500, di na kailangan ng gimik

      ..kawawa ka naman iha…sige, pumunta kana dun sa kubeta, tawag ka na ng amo mo.

  4. Ang galing ni Coco Martin sa Tayong Dalawa na kahit kontrobida eh para syang bida dun. Dahil napansin na sya dito, tingin ko he will be the next Big Star.

    Bakit ganun, ang daming magagaling umarte sa ABS-CBN but sa GMA-7 yung veteran actor at actress lang marunong uamrte. Dapat iaphiram ng Dos ang talent nila sa Ch.7 at sana wala ng network war.

    • Sa ABS, walang young actress na marunong umarte. Sa GMA, si Lovi Poe at Alessandra de Rossi. Proven na yan na mga winner sa award-giving bodies na hindi bayaran. hahaha!

  5. mama ogie give mo pa nga ng clue kasi hindi ko magets…. name ba nya BJ???? kasi sabi mo bastos. eh yung last name na sosi??? ano ba yon????

Leave a Reply

Your email address will not be published.