Pa’nong kakandidato?: ARA MINA, NAGMUKHANG TANGA!

ALAM N’YO BA na sa kabila ng katabilan ng dila ni DJ Mo Twister, pangarap niyang maging isang Ricky Lo someday?

Totoo ‘yan, kasi, one time, nagkita kami ni Mo sa Baang Coffee sa Morato. “Gusto ko talagang maging Ricky Lo, Ogs.  Wala lang. I wanna have column just like his in Philippine Star!”

Sino ba naman ang ayaw maging isang Ricky Lo, ‘di ba? Pero siyempre, kahit ano pang kumpara mo sa sarili mo sa isang tao, eh, lalabas at lalabas pa rin ang tunay o totoong ikaw. At ‘yun na ang magiging tatak mo.

AND SPEAKING OF DJ Mo, ininterbyu ni Mo si Ara Mina sa In My Opinion, show ni Mo sa ANC.

‘Eto ‘yung pang-AB crowd. Siyempre, Ara Mina is running for councilor at gusto rin naman ng aktres na makuha ang AB crowd ng District 2 ng Quezon City.

Kaso, du’n sa napanood namin sa You Tube, parang naawa naman kami kay Ara, dahil halos wala siyang naisagot na konkreto sa mga katanungan ni Mo.

Are you for or against private army?

“For!”

Are you for or against pre-marital sex?

Walang tiyak na sagot.

Are you for or against Visiting Forces Agreement?

Wala rin siyang naisagot.

Are you for or against anti-pornography?

“Against!”

TRICKY ANG MGA questions ni Mo, lalo na’t Ingles pa. Eh, aminado naman si Ara na hindi siya gano’n kagalingan sa Ingles, kaya sana, Tinagalog na lang.

Pero grabe ‘yung mga “lait” ke Ara sa mga comments ng mga nakapanood sa You Tube. Sa halos iisa at puro negative na comments, awa na ang aming nararamdaman para kay Ara.

PINAGHANDAAN BA NI Ara ang guesting niya sa IMO?

Ang sagot: Opo.

Dahil ipinasa naman daw ng staff ng IMO ang mga questions kay Ara. Pinag-aralan na ng aktres ito, pero hindi naman pala ‘yon ang mga itinanong, kaya hindi nakakasagot si Ara.

Sabi nila, kahit daw hindi nirebyu, sana daw, kahit konti, me alam si Ara kung ang pag-uusapan ay ang Maguindanao Massacre (kaya naitanong kung pabor ba siya sa pagkakaroon ng private army).

Hindi bale, bawi na lang si Ara next time.

NAGKABALIKAN NA NGA ba sina Cristine Reyes at Dennis Trillo? Kung gano’n, bongga! Ibig sabihin, talagang mahal lang nila ang isa’t isa at wala na ‘yung “pautot” na type na type ni Dennis si Heart Evangelista.

‘Wag na rin sanang magsasalita si Carlene Aguilar. Let’s all move on.

Me gano’n?

GUSTO NAMING MAGPASALAMAT sa waiter ng Red Crab Morato, si Jeff. Dahil naiwan namin ang aming bag, hinabol niya kami, ngunit hindi na niya kami naabutan.

Nu’ng kinagabihan, tinanong namin sa kanila kung andu’n ang bag namin, andu’n daw, kaya thank you sa Red Crab. Kaya diyan kami kain nang kain, in fairness.

Mababait na ang staff, honest pa.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Daddy Eric B, Ms. F at Fwend Rommel Placente.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.