P91-M na bayad ng DPWH sa pribadong kumpanya, pinaiimbestigahan

HINIHILING ng mga nasa rank and file na kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kay Secretary Rogelio Singson na paimbestigahan ang mahigit sa P91 milyon na ibinayad ng kagawaran sa Toyo Construction Company bilang interest rate sa kanilang progress billing nos. 1-10, 11-16 at Foreign Currency Adjustment sa pagkukumpuni ng CP II Laoag River and Alluvial Fan River Improvements Works sa ilalim ng Laoag River Basin Flood Control and Sabo projects.

Ang Toyo Construction Company ay kumolekta ng tatlong beses sa simple interest dahil sa kapabayaan ng mga taga-DPWH, dahil hindi nagbayad sa nasabing kumpanya ang kagawan sa tamang oras kapag kumukolekta ang mga ito.

Ito ay noong July 2, 2010 at dalawang beses noong July 5, 2010 batay sa resolution ng Extra Ordinary Claims and Review Committee (ECRC) Resolution Nos. 6, 10 at 11 na siyang nagbibigay ng pahintulot upang makakuha ng interes ang nasabing kumpanya.

Noong July 2, nakakolekta ang Toyo ng P63,858,578.93 bilang Foreign Currency Adjustment samantlang hindi gaanong kalaki ang itinaas ng dolyar kontra piso noong 2009.

At noong July 5, 2010 nakakolekta rin ang Toyo ng P8, 230,377.80 at P19,039,550.93 bilang interest due because of delayed payments sa ilalim ng kanilang progress billing 1-10 at 11-16.

Dapat umanong ipaliwanag ng mga sangkot dito kung binayaran ito mula sa lokal na pondo or RA Fund 101 General Fund sa kabila ng foreign-funded o inutang sa Japan Bank International Cooperation (JBIC) ang gastos sa nasabing proyekto.

Naghihinala ang mga nabanggit na kawani na hinokus-pukos ang pagbabayad para mayroong opsiyal na magkamal ng limpak-limpak na salapi sa pamamagitan ng diversion of funds.

Ayon pa sa mga ito, maliwanag na “Technical Malversation of Fund “ ang nangyari at kinakailangang maparusahan ang mga opsiyal ng DPWH na may kinalaman dito.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “P91-M na bayad ng DPWH sa pribadong kumpanya, pinaiimbestigahan

  1. maliwanag na nakawan, pangkaraniwan naman na ito sa Pinas, Marami nga diyan ghost project pa, yong may ari ng construction pulitiko din na nagpapagawa, minsan dummy lang kompanya, mga resibo puro gawa gawa. ANO PA BA BAGO?? SAME OLD STORY..

Leave a Reply

Your email address will not be published.