P9-M halaga ng construction equipment sinunog ng NPA

BUKIDNON – AABOT SA P9 milyon ang halaga ng equipment na sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pagsalakay sa isang construction company sa Malaybalay City, kamakalawa.

Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling-araw kamakalawa nang maganap ang insidente sa compound ng SL Construction Company sa Purok 3, Barangay Dalwangan sa naturang lungsod.

Nabatid na 10 rebelde ang pumasok sa compound ng kumpanya habang 20 pa ang nagsilbing bantay sa labas.

Inatasan ng mga rebelde ang 21 manggagawa sa compound na lumabas saka sila nagtanim ng mga bomba sa crane at mini-dump truck.

Makalipas ang ilang minuto, pinasabog ito ng mga rebelde sa pamamagitan ng command wire subalit tanging ang bomba sa crane ang sumambulat.

Tumakas ang mga rebelde lulan ng Elf vehicle na may plakang WSE 561. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.