P85 Umento sa Sahod sa MM, Inihain ng TUCP

PORMAL NANG inihain ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang petisyon sa Metro Manila Wage Board na humihingi ng P85 dagdag na sahod sa mga wage earner sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni TUCP President Victorino Balais, na layunin nitong makasabay ang mga manggagawa sa lungsod sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mga pangangailangan.

Noong isang taon, naghain ang TUCP ng P90 umento subalit P20 lamang noong Hunyo at P10 noong Nobyembre ang ipinagkaloob ng Tripartite Wages and Productivity Board batay sa Wage Order # 17.

Hanggang Hunyo 2012, nananatili sa P456 ang minimum wage sa Metro Manila.

Ayon kay Balais, ba-gama’t hindi pa rin nakasasapat ang hiling na P85 ay ikinukunsidera rin nila ang kalagayan ng mga employer.

Samantala, bukod sa Metro Manila, maghahain din ang TUCP ng petition for wage increase para naman sa mga manggagawa sa Cebu, Davao at Cagayan De Oro City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.