P75-M Pondo sa 5 District Hospital, Inilabas Na

UPANG MATIYAK na masosolusyunan ang problemang pagkakasakit ng mga residente sa buong lalawigan ng Bulacan, naglabas na ang pamahalaang panlalawigan ng P75 milyon para sa pagpapagawa ng district hospital sa limang bayan, kabilang ang isang lungsod.

Sa datos na ibinigay ni Engr. Glenn Reyes, Provincial Engineering Officer ng probinsiya, sabay-sabay na sinimulan ang proyekto sa mga bayan ng Obando na pinonduhan ng P20-M; Pandi, P20-M; Norzagaray, P15-M; Angat, P10-M; at Malolos City na binigyan ng P10-M.

Layon ng programa na matugunan ang malaking problema sa kalusugan. Ito ang naging tugon ni Gov. Willy Alvarado sa kahilingan ng maraming Bulakenyo na hindi nararating ng tulong.

Ayon kay Engr. Reyes, ang pondong nagugulin sa nabanggit na pagawaing-bayan ay magmumula sa kaban ng pamahalaang panlalawigan, kung saan natapos na rin ang bidding nito na na-award sa NC General Contractor.

Inaasahan na mapakikinabangan ang mga nabanggit district hospital sa lalong madaling panahon.

(TONY DELA PEÑA)  

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.