P658 M, iniwang pinsala ni Egay sa mga sakahan

UMABOT SA 658 milyong piso ang iniwang pinsala ng bagyong Egay sa mga sakahan batay sa nakalap na report mula sa Region 3, 10, 11, 12 at ARMM ayon sa Department of Agriculture.

Ang North Cotabato at Maguindanao ang pinakaapektadong lalawigan na nakapagtala ng mahigit P313 milyon at P277 milyon ng iniwang danyos sa mga sakahan, ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Ilan pa sa mga lalawigan sa bansa na ‘di nakaligtas sa hagupit ni Egay ay ang Bukidnon, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, South Cotabato at  Cotabato City sa Mindanao area at sa Central Luzon naman ay ang Bataan at Zambales.

Tinatayang lalaki pa ang perhuwisyong ito sa sakahan bunsod ng bagyong Falcon sa Sila-ngang Luzon, ayon naman sa pahayag ni Agriculture Undersecretary Joel Rudinas.

“The damage will likely build up, since persistent rains started around May, and then with the coming of Falcon, the flooding in farming areas will add up,” ani Rudinas. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.