P600-K, Para sa Training ng Baguhang Solons

UMAABOT SA P600,000 ang inilaang budget ng Kamara para sa legislative training ng 32 baguhang kongresista.

Sinabi ni House Secretary General Marilyn Barua-Yap na sa halip na gawin ang pagsasanay ng neophyte congressmen sa University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG), minabuti ng liderato ng Kongreso na idaos ito sa Andaya Hall sa loob ng Batasan Complex.

Inihayag pa ni Yap na apat na araw ang training na magtatapos sa darating na Huwebes.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing seminar sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo, Quezon City Rep. Alfred Vargas at ilan pang nahalal sa nakaraang midterm elections.

Samantala, magsisilbing resource persons sina Albay Rep. Edcel Lagman of Albay; Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. at iba pang senior House officials.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.