P6-M Halaga ng Hightech Phones, Nasabat

UMAABOT SA 800 piraso ng smuggled smartphones na nagkakahalaga ng kabuuang P6.17 milyon ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na ang 793 nakuhang smartphone units ay isasailalim sa auction upang makadagdag sa revenue ng gobyerno ang makokolektang pondo.

Nabatid din na dalawang tauhan ng Windfreight Express Total Logistics ang sinasabing responsable sa pagpupuslit ng mga ito.

Samantala, dahil sa pagkakabunyag ng iligal na transaksyon, nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Sections 3601 at 3609 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.