P6.3-B Pondo sa MRT at LRT Upgrade, Aprubado

INAPRUBAHAN NI PANGULONG Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagpapalabas ng P6.3 bilyon sa pagbili ng bagong coaches para sa Metro Rail Transit-3, gayundin sa major rehabilitation project ng Light Rail Transit Line 1 at Line 2.

Ayon kay Budget Sec. Flo-rencio Abad, ang 26 karagdagang coaches ay nagkakahalaga ng P4.5 bilyon, nasa P1.87 bilyon naman ang gagamitin sa pagsasaayos ng LRT-1 at LRT-2.

Ang nasabing proyekto ay bahagi ng P72 bilyong stimulus package na inaprubahan ng Pangulong Aquino para sa huling bahagi ng taon.

“For the first time, we are subsidizing the rehabilitation of these railway systems to ensure the efficiency of operations and safety of passengers. Most of all, our government wants to ensure value-for-money for the fares being paid by passengers, through comfortable and safe rail travel,” ani Abad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.