P500M-Halaga ng Undeclared Rice Import, Ikinanta ng Ex-BOC Officer

IBINUNYAG NG isang pinatalsik na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na P500 milyon ang nawawala sa kaban ng gobyerno dahil sa underdeclaration ng awtorisadong rice imports.

Sinabi ni Stanley Villavicencio, dating valuation at classification officer ng nasabing ahensiya, nakalulusot sa BOC ang bigas sa halagang $.06 o P2.70 kada kilo.

Ang tunay na presyo umano, ayon sa National Food Authority (NFA) ay hanggang $0.62 o P26.

Aminado naman si Customs Commissioner Ruffy Biazon na may bahid ng katiwalian sa pag-accredit ng importers sa nasabing ahensiya.

Samantala, nangako naman ito na sisiyasatin ang kaso matapos kumpirmahin ng import assessment service ang mga dokumento.             (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.