P500,000 natangay Collector ng Bayad Center, Binaril ng Holdaper

 

KRITIKAL ANG kalagayan sa pagamutan ang isang collector ng Bayad Center nang barilin ng isa sa dalawang holdaper na riding in tandem na nangholdap sa biktima sa Caloocan City, noong Martes, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Kasalukuyang inoob-serbahan sa Manila Central University (MCU) Hospital si Arturo Manuel, 51, collector ng Bayad Center na matatagpuan sa Bayan, Novaliches, Quezon City at naninirahan sa # 346 General Luis St., Kaybiga, Caloocan City.

Ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala nang hindi nabatid na kalibre ng baril sa mukha at kanang kamay.

Ayon kay Marcelino Turobio, manager ng Bayad Center, inutusan niya bandang alas-3:20 ng hapon si Manuel para ideposito sa BDO Kaybiga branch ang P500,000.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pagsapit sa General Luis St., Kaybiga, Caloocan City, hinarang siya ng dalawang suspek na magkaangkas naman sa motorsiklo na walang plate number.

Pilit na inagaw ng mga suspek ang dalang bag na may lamang pera ni Manuel, pero nanlaban ito hanggang sa barilin.

Nang makuha ng mga suspek ang nasabing halaga, kaagad na silang nagsitakas sa hindi mabatid na lugar.

(ROMAN MAGPOC)

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.