P500-K Sahod ng mga Empleyado, Tinangay ng mga Holdaper

UMAABOT SA halos kalahating milyon ang perang natangay ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa isang revenue collector ng LGU San Lorenzo Ruiz sa Camarines Norte.

Base sa pagsisiyasat, napag-alaman na nag-withdraw pasado alas- 2:45 kaninang hapon ang biktimang si Jorge Placido.

Lumalabas din sa imbestigasyon na, matapos mag-withdraw ng pera ay nagtungo ito sa isang tindahan upang mag-snack nang dumating umano ang dalawang hindi nakikilalang salarin at tinutukan umano ito ng baril at sapilitang kinuha sa biktima ang bag na pinaglalagyan ng perang nagkakahalagang P547,000.

Agad ding tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang ‘get away vehicle’ na una nang nakaabang sa mga ito.

Samantala, nabatid naman na ang natangay na pera ay pampasahod sana sa mga empleyado ng LGU ng San Lorenzo Ruiz.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.