P500-K halaga ng paputok, naharang sa Cebu

CEBU CITY – ISINAGAWA  kahapon ang pagsira ng Philippine Coast Guard (PCG-7) sa mga naharang na smuggled na paputok na nagkakahalaga na aabot sa P500,000.

Isinagawa ang pagsira sa mga ito sa headquarters ng PCG sa Pier 3, lalawigan ng Cebu.

Ayon kay PCG-7 station commander Rolando Lizor Punzalan, ang pagkakakumpiska sa mga iligal na paputok ay dahil sa pi-naigting na kampanya laban sa mga smugglers.

Napag-alaman na aabot sa 1,920 na reams ng paputok na piccolo firecrackers at iba pa ang kanilang naharang.

Dumalo sa nasabing seremonyas ang mga opis-yal ng Philippine National Police(PNP), Cebu Port Authority(CPA), Maritime Police at iba pa.

Natatanging panauhin naman ng Philippine Coast Guard si Cebu City Mayor Michael Rama na personal na sasaksi sa pagsira sa mga paputok. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.