P50-M Pondo Para sa Undocumented OFWs sa Saudi, Ilalaan

TINIYAK NG Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh at Jeddah na bibigyan ng kaukulang tulong ang mga undocumented overseas Filipino worker (OFW) na bigong makatugon sa pinalawig na deadline ng Saudi Arabia para gawing legal ang kanilang pananatili.

Sinabi ni Labor Attache Rustico Dela Fuente na nakahanda ang pamahalaan na bigyan ng kinakailangang resources ang mga OFWs lalo na sa mga maaapektuhan ng crackdown gaya na lamang ng pagkain, gamot, matutuluyan at transportasyon.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz, maglalaan ang ahensya ng P50 milyon na supplementary budget para sa pangangailangan ng mga Pinoy worker.

Ito’y maliban pa sa i-binibigay na repatriation assistance ng DOLE para naman sa mga OFW nais nang umuwi sa bansa.

Samantala, base sa rekord nasa 1,488 na mga manggagawang Pinoy ang naghihintay ng clearance mula sa Saudi immigration para makauwi ng Pilipinas, habang 206 Pilipino naman ang nasa Bahay Kalinga o Migrant Overseas Workers Resource Center.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.