P50, Ambag ng Bawat Pulis sa mga biktima ni ‘Pablo’

TIG-P50 ANG iaambag ng bawat pulis sa buong bansa para sa mga biktima ng bagyong Pablo.

Sinabi ni PNP chief Director General Nicanor Bartolome, gagawin nilang salary deduction ang sistema.

Mayroong 148,000 ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), dagdag pa ang 6,000 mga non-uniformed personnel (NUP).

Ayon kay Bartolome, kung susumahin, aabot sa P 7.7 milyon ang malilikom na pondo ng buong PNP para maibi-gay na donasyon sa mga biktima ng bagyo.

Iginiit pa ni Bartolome, hindi lamang para sa mga pulis na biktima rin ng bagyo mapupunta ang donasyon kundi sa lahat ng mga nangangailangan nito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.