P5-M Patong sa Ulo ni Napoles

HINIKAYAT NI Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na maglaan na ng P5 milyong pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroo¬nan ni Janet Napoles na sangkot sa multi-bilyong pork barrel scam.

Naniniwala si Caye-tano na mas mabilis na mahuhuli si Napoles kung maglalaan ng malaking pabuya ang pamahalaan para sa ikadarakip nito.

Hindi aniya dapat panghinayangan ang ibibigay na reward para sa ikakahuli ni Napoles kung ang kapalit naman nito ay ang malaman ang katotohanan.

Maaalala na si Napoles ang sinasabing nagtayo ng mga pekeng NGOs na na-ging daan para mamani-pula ang pork barrel funds o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang kongresista at senador.

Buhat ng magpalabas ng warrant of arrest laban kay Napoles ay bigla na lamang itong nawala at may mga nagsasabing posibleng nakalabas na ng Pilipinas.

Hindi rin inaalis ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad na nagpabago na ito ng mukha para matakasan ang batas.

Nai-report din na nagawa pa ni Napoles na makabili ng nasa P184,845 halaga ng Philippine Airlines tickets sa pamamagitan ng kanyang credit card matapos magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Sa kabilang dako, nakatakda namang siyasatin ng Senado sa Agost 29 ang isyu ng pork barrel scam kahit pa may mga mambabatas na isinasangkot sa nabanggit na isyu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.