P5-M halaga ng laptop, ipamamahagi sa mga paaralan sa Laguna

AABOT SA HALAGANG P5 million ang mga laptop na ipamamahagi ng Department of Education (DepEd) sa kabutihang-loob ng kumpanyang Toshiba sa mga paalaran sa lalawigan ng Laguna upang magamit ng mga estudyante.

Sa turn-over ceremony na ginanap sa San Pedro Relocation Center National High School sa San Pedro Laguna, sinabi ni DepEd Secretary Armin Luistro na layunin nilang magkaroon ng realidad o makatotohanan ang programa ng kagawaran na ang edukasyon para sa lahat, mahirap man o mayaman.

Labing apat na public high school sa nasabing lalawigan ang unang tumanggap ng mga bagong laptop at bawat isa sa mga ito ay binigyan ng tig-10 ng DepEd at Toshiba Corporation bilang bahagi ng programang Gearing Up Internet Literacy and Access for Students (GILAS) program ng Ayala Foundation.

Ayon pa kay Sec. Luistro, ang mandato ng DepEd sa publiko ay magbigay ng de-kalidad na pagtuturo sa mga estudyante sa buong bansa at sa pamamagitan ng pagbibigay ng laptop ay madaling mahasa ang kaisipan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga bagong teknolohiya na pagkukuhanan nila ng dagdag na impormasyon sa kanilang pag-aaral.

“Our mandate at the Department of Education is to make quality basic education accessible to all, the end-goal being to make every Filipino functionally literate.  Hence, this partnership democratizes access to quality education for learners in rural areas,” saad ng kalihim.        (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.