P5-M budget sa Corona impeachment, kulang – Tupas

ISASAPINAL NGAYONG linggo ng House of Representatives ang “structures” ng binuong panel of prosecutors sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Inihayag ni House committee on justice chairman at Iloilo Rep. Neil Tupas na kabilang sa kanilang pag-uusapan sa gagawing pulong ngayong linggo ay ang assignment ng bawat prosecution member sa inihaing walong articles of impeachment laban sa punong mahistrado.

Magtatalaga rin umano sila ng secretariat at pag-uusapan din ang posibleng pagkuha ng mga private lawyers.

Kasabay nito, aminado si Tupas na kukulangin ang inilaang P5-milyon na pondo ni House Speaker Feliciano Belmonte para sa operasyon ng prosecution panel.

“Kung mag-resign ang impeached public officer (Corona), sobra-sobra iyon, pero kung tumuloy iyon, we are expecting of around 3 to 6 months of prosecution, I’m sure, kukulangin din iyong P5 million,” ani Tupas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.