P5.7-M Halaga sa Paggawa ng Shabu, Sinira sa Valenzuela

AABOT SA P5.7 milyong halaga sa paggawa ng Shabu ang sinira ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Authority upang hindi na pakinabangan pa sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Pinangunahan ni PDEA Undersecretary Jose Gutierrez Jr. ang pagwasak sa mga aparato sa Green Planet Management, Incorporated sa Punturin ng lungsod.

Nabatid na ang mga chemical ay iko-convert naman upang magamit sa paggawa ng mga hollow-blocks.

Ayon pa kay Gutierrez, dapat ipakita sa madla ang pagwasak ng mga aparato at pagsira sa mga chemical sa paggawa ng Shabu na nakukumpiska ng nasabing ahensiya upang mawala ang hinala na nire-recycle ang mga ebidensiya.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.