P5.185-B Mega Flood Control project Mayor Tiangco, dismayado

DISMAYADO SI NAVOTAS City Mayor John Rey Tiangco, sa P5.184 bilyon Mega Flood Control project, matapos hindi naging epektibo sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area, ang naturang proyekto, sa kabila ng sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na 1% na lamang ang natitira para tuluyan nang maisakatuparan at matapos ang naturang proyekto na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Kasama na rito ang pagkukumpuni ng mga sumusunod: polder dikes, river channel improvements, installation of floodgates, pumping stations, drainage facilities and raising of existing road structures.

Ayon sa alkalde, hindi na niya inaasahan pa ang nasabing proyekto ng gobyerno na makakatulong sa lungsod dahil sa tuwing sumasapit ang tag-ulan o high tide, palagi na lamang silang lumulubog sa baha, kung saan inabot na rin ng dekada ang nabanggit na proyekto ngunit wala man lamang ipinagbago rito.

Noong una, ipinagmalaki pa ng gobyerno na malaki ang maitutulong ng proyekto sa apat na lungsod lalo na sa Navotas at Malabon na palagi na lamang binabaha, subalit lalo lamang lumala ang suliranin sa tubig-baha sa apat na lungsod.

Kaugnay nito, nanawagan si Tiangco, na dapat sigurong repasuhin ang naturang multi-billion project, dahil tila wala naman itong kapakinabangan sa lungsod at nasasayang lamang ang malaking halaga ng pondo na inilaan para rito.

Ikinagalit din ng mga opisyales sa CAMANAVA ang 18.50 square-kilometer Phase 1, nang malaman ng mga ito na marami ang ipinagbago sa proyekto at hindi nasunod kung ano ang nasa plano.

Nagpapasalamat na lamang si Mayor Tiangco sa kanyang kapatid na si Cong. Toby Tiangco, na malaki ang nagawa sa lungsod, lalo na ang “Bombastics” pumping station. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.