P429-M naging danyos 12 patay sa 19 beses na flashfloods sa Mindanao

CAMP AGUINALDO – LUMOBO na sa labindalawang katao ang nasawi sa 19 beses na mga pagbaha sa Mindanao sa loob ng 19 araw.

Nilinaw naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang nasabing pagbaha (flashfloods) ay hindi sanhi ng mga nagdaang bagyo na sina Amang, Bebeng, Chedeng, Dodong at Egay kundi bunsod ng mga pag-ulan na epekto ng pinag-ibayong Hanging Habagat.

Sa datos ng NDRRMC, ang nasabing bilang ay mula noong May 31 hanggang June 19, kung saan ang mga apektadong lugar ay ang Region 10, 11, 12 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa kabuuang bilang ng mga namatay, sampu ay mula sa North Cotabato, isa sa Cotabato City at isa sa Davao del Norte, kung saan ang sanhi ay pagkalunod.

Sinabi naman ni NDRRMC Director Benito Ramos na dalawa ang naitalang sugatan sa flashfloods.

Aabot sa 135,921 pamilya o 703,199 indibidwal ang apektado ng kalamidad sa 547 barangay sa 59 bayan at 5 lungsod sa 10 lalawigan.

Tinaya naman sa P429,048,384 ang danyos sa ari-arian, agrikultura at imprastraktura.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.