P400-K Halaga ng Shabu, Nasabat sa QC

 

TINATAYANG AABOT sa P400,000 na halaga ng Shabu ang nasabat ng mga kinauukulan sa isang buy-bust operation sa Cotabato St., Barangay Bago Bantay, Quezon City.

Ayon kay Police Chief Inspector Richard Ang ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Illegal Drugs Operations Unit, nagkaroon ng transaksyon sa pagitan ng dalawang salarin at isang undercover buyer ng mga awtoridad nang mahuli ang mga ito.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Abraham Balueg, 18 anyos; at Sammy Cultura, 24 anyos.

Kasalukuyan namang nakakulong ang mga salarin at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act habang inaalam pa kung may mga kasamahan pa ang mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.