P40-B, Laan sa Pagtaas ng Damage Cost

LUMAGPAS NA sa 11 milyon ang opisyal na bilang ng mga naapektuhan ng super typhoon Yolanda na tumama sa Pilipinas noong Nobyembre 8.

Base sa pinakabagong ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala na may kabuuang 2.4 na milyong pamilya o 11.23 milyon katao ang nasalanta ng nasabing bagyo mula sa 44 na lalawigan.

Sa naturang bilang, mahigit 4 na milyon ang nawalan ng kanilang tirahan kung saan nasa 217,444 sa kanila ay nakatira ngayon sa evacuation centers.

Nananatili naman sa 5,632 ang official death toll ng ahensiya habang nasa 1,759 pa ang nawawala.

Patuloy rin sa pag-akyat ang damage cost ng kalamidad na pumapalo na sa mahigit P30.6-bilyon, kabilang dito ang P15.6-bilyon sa infrastructure at P15.02-bilyon sa agrikultura.

Una nang sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson na posibleng papalo sa P100-bilyon ang gagawing reconstruction sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad.

Samantala, naireport din na ginawa na ng Pangulong Noynoy Aquino III sa P40.9-bilyon ang “recovery budget” ng pamahalaan mula sa dating P38.8-bilyon na pondo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.