P4.3-M Halaga ng Equipment, Nawawala sa CDO

KASALUKUYABNG PINAGHAHANAP ng mga awtoridad ang isang kinatawan ng financial firm matapos nawala ang umano’y P4.3 milyon na halaga ng payloader at ten-wheeler dump trucks sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Kinilala ang empleyado na dumulog sa pulisya na si Jerry Suyao na representante ng JDS Builders Garage ng Brgy. Gusa sa siyudad.

Kinilala rin ang pinaghanap ng mga kinauukulan na si Michael Dominguez na nagsilbing representante rin ng PCCI Finance Corporation.

Sinabi ni Suyao na matapos umanong na-pull-out ang dalawang sasakyan ay hindi na nagpakita si Domiguez dahilan para hindi sila nabayaran sa nasabing halaga ng pera.

Samantala, patuloy pa rin ang ginawang pagsisiyasat ng pulisya hinggil sa naturang pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.