P38-M fund transfer sa mga pekeng NGO, nakalkal

Maliban Sa pagiging dawit sa sinasabing P10-bilyong “pork barrel” fund scam, muling lumutang ang pangalan nina Sen. Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile sa nakalkal na P38-milyong fund transfers sa isa sa mga sinasabing pekeng non-governmental organizations (NGOs) ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Maliban sa dalawa, lumutang din ang pangalan ni Sen. Loren Legarda.

Base sa ipinalabas na 2012 audit report ng Commission on Audit, nadiskubre ang umano’y iregular na transaksyon gamit ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng nasabing mga senador.

Tinukoy pa ng COA na malinaw umanong paglabag sa implementing rules and regulations ng Government Procurement Reform Act ang nabanggit na fund transfer transactions.

Hindi rin umano nasunod ang tamang documentary requirements sa liquidation ng nasabing pondo, na paglabag din sa COA Circular No. 2012-001.

“Funds transferred amounting to P38 million were released to the People’s Organization for Progress and Development Foundation, Inc. (POPDF) thus the rules on procurement under IRR of RA 9184 were disregarded. Moreover, documentary requirements on the liquidation of funds were insufficient and incomplete in violation of COA Circular No. 2012-001 dated June 14, 2012,” ayon sa ulat.

Samantala, sa nasabing report ng ahensiya, si Estrada umano ay naglaan ng P23 milyon sa kanyang PDAF, P10-milyon kay Enrile at P5 milyon kay Legarda para sa pagbili ng mga organic agrarian implements, high value yield enhancement packages at supplies farm inputs/implements.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

5 thoughts on “P38-M fund transfer sa mga pekeng NGO, nakalkal

Leave a Reply

Your email address will not be published.