P37-M halaga ng Shabu, nasabat ng BoC at PDEA

TINATAYANG NAGKAKAHALAGA ng mahigit P37 milyon ang nasabat na Shabu at mga laboratory equipments ng mga kinauukulan, na nakapaloob sa mga container vans.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon, tumambad sa kanila ang nasabing mga ebidensiya matapos buksan ang anim na mga 20-footer container vans sa Lungsod ng Maynila.

Base sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency, sinasabing galing ng bansang Taiwan ang nasabing mga kargamento.

Ang isinagawang inspeksyon ay kasunod ng ulat na natanggap ng PDEA hinggil sa tangkang pagpupuslit ng droga sa bansa, lulan ng naturang mga container vans.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.