P35-M Pangasius Proccessing Plant, Binuksan sa Bulacan

TIYAK NA ang trabaho ng mahigit sa 70 katao sa pagbubukas ng kauna-unahang Pangasius Proccessing Plant sa Gitnang Luzon partikular sa Sampaguitahan St., Brgy. San Vicente, Sta.Maria, Bulacan na pinunduhan ng halagang P35 milyong piso ng Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ayon kay Department of Industry Provincial Director Rhine Aldana, ang naturang planta ay ka-yang-kayang makagawa ng 80 metriko tonelada ng isdang Pangasius kada buwan na may 100 porsiyento ng mataas na kalidad ng produkto.

Kung saan personal na inagurahan ni DTI Pangasius National Industry Cluster head Dorecita Delima at DTI Region III Director Blesila Laytayona ang pagbubukas ng naturang planta kasama ang iba pang opisyal na gobyerno.

Pangunahing produkto na gagawin sa nabanggit na proccessing plant ang filleting ng mga lamang ng isdang Pangasius.

Ayon sa mga opisyal, magmumula ang mala-king volume ng isdang Pangasius sa 21 ektarya ng Commercial Grow-Out ng Luisita sa lalawigan ng Tarlac.

Habang ang iba namang kalakal ay magmumula sa 5 ektaryang Pangasius farm sa bayan ng Bustos, 4 na ektarya sa Calamba at isang ektarya sa Biñan, Laguna.

Dahil sa programang ito, maraming mga negosyante partikular na yaong may mga restuarant ang maaaring umunlad sa pamamagitan ng Pangasius Proccessing Plant.

(TONY DELA PEÑA)    

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.