P35-M Halaga ng Sibuyas, Nasamsam ng BoC sa MICP

UMABOT SA MAHIGIT P35 milyong halaga ng smuggled na sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila International Container Port (MICP).

Nasa 297,000 bags ng sibuyas mula sa Hong Kong ang nasabat ng mga tauhan ni MICP intel chief Marissa Rae Galang mula sa 11 container van, ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nakapangalan ang mga kargamento sa Widset Trading na nakabase sa Malate, Manila; Royal Halo Enterprises; at Aldero  Enterprises kung saan ipaghaharap ng kaso ang mga ito.

Ikinatuwa naman ni Magtanggol Alvarez, pangulo ng Onion Raisers Association of the Philippines ang naging hakbang na ito ng BoC bunsod ng matagal na umano nilang inaalmahan ang pagpupuslit ng mga smuggled na sibuyas sa merkado.

Ito rin umano ang nagiging sanhi ng pagkalugi ng maraming magsasaka sa bansa kaya lalong dumarami ang naghihikahos na mamamayan. (parazzi reportorial team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.