P35-K, Itinakbo ng 2 Ita sa Negosyante sa Iloilo

NASALISIHAN NG dalawang Ita ang isang negosyante sa Jaro, Iloilo City at natangay ang P35,000 ng biktima.

Batay sa pahayag ng hindi pinangalanang biktima, sinabihan umano siya ng dalawang Ita na malayo ang suwerte sa kanila dahil may presensya ng itim at puting mga duwende ang kanilang bahay.

Dahil dito, nag-alok ang mga suspek na gagawan sila ng pampasuwerte na walang bayad pero donasyon lang ang hiningi.

Hiniling sa kanila ang pitong kandila, pitong bulaklak, pitong prutas, pitong uling at P777,000 na gagawing alay umano sa mga itim na duwende sa loob ng pitong araw dahil ito raw ay papalitan ng pitong bareta ng ginto.

Tiniyak naman umano ng dalawang Ita na hindi mawawala ang pera dahil ang amoy lang nito ang habol ng mga duwende.

P35,000 lamang ang pera ng negosyante pero pumayag na rin ang dalawang Ita sa nasabing halaga.

Ang mga inihandang alay kasama ang P35,000 ay inilagay sa isang sisidlan at inilagay sa altar at ginawang orasyon.

Ilang beses pang bumalik sa bahay ng biktima ang dalawang Ita na tinatayang nasa 25-30 anyos para i-pagpatuloy ang orasyon at inihabilin na huwag buksan ang sisidlan ng mga bagay na kanilang inialay.

Nang hindi na bumalik ang dalawang suspek, binuksan ng biktima at ng kanyang asawa ang sisidlan ng ginawang alay at laking gulat nang makitang wala na ang kanilang P35,000 na pera at mga ginupit na papel na lamang ang nasa loob nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.