P300-K Halaga ng Shabu at Marijuana, Sinunog sa Albay

UMABOT SA kabuuang P300,000 halaga ng iligal na gamot ang sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 5 sa Albay.

Batay sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, sama-samang sinunog ng PDEA ang libu-libong sachet ng Marijuana at Shabu na naging ebidensiya sa kanilang mga operasyon.

Ayon sa naturang ahensiya, patunay lamang ito ng kanilang mahigpit na pagtutok o “honest to goodness” hinggil sa paglaban sa ipinagbabawal na gamot.

Kaugnay nito, sunod umanong tututukan ng ahensiya ang mga eskuwelahan dahil ilang estudyante ngayon ang target ng mga pusher.

Una naman nang inihayag ng PDEA sa selebrasyon ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) na nais nilang maramdaman ng mga Bicolano ang hindi magandang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na droga. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.