P30-M Sigarilyong Gawa sa China, Nasabat ng BOC

TINATAYANG NASA P30-milyon na halaga ng smuggled cigarettes at iba pang food items ang narekober ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Tondo district, lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon na ang naturang mga kontra-bando ay galing ng China.

Inaalam pa aniya nila kung paano naipuslit ang nasabing mga smuggled items sa Bureau of Customs at nailabas sa warehouse.

Matatandaan na noong May 17, umaabot din sa halagang P25-milyon na smuggled condiments ang nasabat ng tanggapan sa isang warehouse sa Tondo.

Samantala, sa nabanggit na operasyon, narekober din ng mga awtoridad ang isang container van (RXX-713) na pinaniniwalaang ginagamit sa pagpupuslit ng naturang mga items.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.