P30-K, Natangay sa Mall sa Lucena

PATULOY PA rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nangyaring pagnanakaw na aabot sa P30,000 cash sa isang mall sa Lucena City.

Napag-alamang umalis lamang ng sandali sa cashier’s booth ang cashier clerk ng Gaisano Mall na si Redalyn Tenorio, 19-anyos at residente ng Purok Sta. Theresa, Barangay Dalahican sa naturang lungsod para humiram ng stapler sa kanyang ka-trabaho.

Pagbalik umano nito ay hindi pa nito napansin ang nawawalang pera.

Makaraan ang ilang minuto nang mapansin nitong wala na ang lahat ng pinagbentahan sa lalagyan nito sa kanyang puwesto na nagkakahalaga ng P30,000.

Samantala, paniwala ng biktima ay isang kustomer ang nagnakaw nito habang wala ito sa kanyang puwesto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.