P30-B ginastos sa proyekto, nawawala – DPWH

SINABI NG Department of Public Works and Highways (DPWH) na mahigit sa P30 bilyong halaga ng mga proyekto ang nawawala sa kaban ng bayan.

Inihayag ni DPWH Secretary Rogelio Singson na hindi nila mahagilap kung anong nangyari sa mga proyekto o kung sino ang nagpondo nito.

Partikular na sinisiyasat ng DPWH ang P100 milyong halaga ng 12-kilometrong daan sa Mataas na Kahoy sa Batangas. Hindi pa rin ito madaanan bagama’t sinumulang gawin noon pang taong 2008.

Sa ngayon, putol pa rin ang kalsada at kapag tag-ulan, maputik ang daan.

Ayon kay Mayor Jay Manalo Ilagan, ang na-kinabang lamang dito ay ang contractor.

Kinilala naman ng alkalde ang contractor na si Edwin Gardiola.

Mula 2002 hanggang 2010, mahigit P6 bilyon ang ibinigay na proyekto sa contractor, ayon pa rin kay Singson.

Samantala, karamihang sa mga ito ay mga congressional insertion o mga proyektong sinisingit lamang ng mga kongresista sa budget.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.