P3-M Halaga ng Shabu, Nasabat ng PDEA; 19 na Katao, Kalaboso

UMAABOT SA mahigit tatlong milyong pisong halaga ng Shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang magsagawa ng buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa bansa na nagresulta sa pag-aresto sa 19 na katao kabilang na ang mag-asawa at dalawang menor de edad.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, mas pinaigting pa umano ng PDEA ang kanilang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot kung kaya’t sunud-sunod ang mga isinasagawang operasyon ng kanyang mga tauhan sa buong bansa.

Sinabi ni Cacdac na sa lungsod ng Iligan sa Mindanao, nahulog sa kamay ng PDEA ang notoryus na drug pusher sa lugar kasama ang misis nito na nakilalang sina Saydale Sarip at ang asawa nitong si Zenaida.

Nakuha rin sa kani-lang pag-iingat ang u-maabot sa 250 gramo ng Shabu na may market value na P1,750,00.00.

Samantala, sa Dagupan City sa Pangasinan, 17 katao ang arestado sa inilunsad na buy-bust operation ng PDEA sa isang pinaniniwalaang Shabu tiangge sa nasabing lugar kasama ang dalawang menor de edad.

Nasabat sa natu-rang raid ang umaabot sa 215 gramo ng Shabu na nagkakahalaga ng P 1,720,000.00.

Samantala, nakapiit na sa Dagupan City Police Station ang 15 kataong nadakip sa buy bust operation habang ang dalawang menor de edad ay inilagay sa pa-ngangalaga ng DSWD.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.