P3-M Halaga ng Ari-Arian, Naabo sa QC

TINATAYANG AABOT sa P2.5 milyon hanggang P3 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog sa higit 100 kabahayan sa Sitio Militar, Barangay Bahay Toro sa Project 8, Quezon City.

Sinabi ni Quezon Cuity Fire Department Chief, Supt. Jesus Fernandez na 200 pamilya ng informal settlers ang apektado sa sunog.

Dakong alas-9:25 ng umaga nang sumiklab ang apoy na itinaas agad sa ika-limang alarma.

Umabot ang apoy sa Task Force Bravo bago tuluyang naapula alas-11:15.

Wala namang namatay sa sunog ngunit tatlo ang nagtamo ng minor injuries na kinilalang sina Jeremy Bactan, Kenneth Ross at Anthony Carvajal.

Samantala, electrical overload at napabayaang kalan ang dalawa sa mga sinisilip na sanhi ng sunog.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.