P3-M Halaga ng Ari-arian, Naabo sa Pasig

TINATAYANG P3 milyong halaga ng ari-arian ang nasunog sa isang opisina sa Bagong Ilog, Pasig kahapon ng madaling-araw.

Nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali at umabot sa unang alarma bago naapula alas-12:36.

Base sa salaysay ng trabahador na si Timmy Guiritan, box ng kuryente ang pinagmulan ng apoy, pero iniimbestigahan pa rin ito ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Mabilis na kumalat ang apoy dahil puro papel ang laman ng kuwarto, pero nakaresponde naman agad ang mga bumbero.

Samantala, wala namang nasaktan o nasawi sa nangyaring sunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.