P3.4-B halaga ng Shabu, nasamsam ng PDEA ngayong taon

UMAABOT NA sa P3.4 bilyong halaga ng Shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga kinauukulan ngayong taon.

Lumalabas sa third quarter report ng PDEA, 673 kilo ng iligal na droga ang nakumpiska mula Enero hanggang Setyembre. Mas mataas ito kumapara sa kabuuang 578 kilong Shabu na nasamsam noong 2009 hanggang 2012.

Sinabi ni PDEA Director General Arturo Cacdac na pinakamalaking nasamsam ngayong taon ang 432 kilong Shabu sa Subic, Zambales noong Agosto 11 sa halagang P2 bilyon.

Bukod dito, ilang Chinese drug personalities din ang natiklo ng naturang ahensya sa mga operasyon sa Tondo, Maynila, Las Piñas City, at Quezon City.

Samantala, paliwanag ni Cacdac, ang mataas na resulta ng kampanya laban sa droga ay bunga ng mas pinalakas na pagtutulungan ng PDEA at law enforcement agency ng gobyerno.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.