P3.2-B Pork Barrel, Ibinasura ng Senado sa 2014 Nat’l Budget

MAS MABABA ang bersyon ng Senado sa 2014 national budget kumpara sa panukala ng Palasyo na P2.268 trilyon.

Sinabi ni Finance Committee Chairman Chiz Escudero na mas mababa ng P3.2 bilyon ang panukalang pondo ng Senado, dahil inalis na nila ang tig-P200 milyong pork barrel fund ng 15 senador na nagpahayag ng suporta sa tuluyang pagbuwag sa nasabing pondo.

Iniawas din ng Senado ang P200 milyong pork barrel ng Office of the Vice President (OVP) kasunod na rin ng permiso ni Vice President Jejomar Binay.

Sa Senate version, kabilang sa amendments ang P20 bilyong disaster rehabilitation and reconstruction fund sa mga sinira ng super typhhon Yolanda at iba pang kalamidad.

Naglaan din ng tig-P300 milyong quick response fund para sa Department of Health (DOH) at Department of Transportation and Communications (DOTC), at dagdag na P5.5 milyong calamity fund sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Samantala, naglaan pa rin ang Senado ng dagdag na P336 milyong cash grant para sa 20,000 pamilya na hindi sakop ng conditional cash transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.