P28-B Dividend, Isinumite ng GOCC’s

ISINUMITE NG 38 Go¬vernment Owned and Controlled Corporations (GOCC’s) kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang P28 bilyong dividend nito sa isang simpleng se¬remonya sa Palasyo kamakailan.

Ang pinakamataas na nagsumite ng kanilang dividend ay ang Land Bank of the Philippines (LBP) na nagkakahalaga ng P6.24 bilyon.

Ang iba pang GOCC’s na kasapi ng billionaire’s club dahil sa isinumite nitong dividends ay ang Philippine Reclamation Authority (PRA) P1 bilyon, Philippine Ports Authority P1.03 bilyon, Manila International Airport Authority (MIAA) P1.4 bilyon, Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) P1B, Bases Conversion Development Authority (BCDA) P2.3 bilyon, Development Bank of the Philippines (DBP) P3.16 bilyon.

Sa ilalim ng Republic Act 656 ay inaatasan ang lahat ng GOCC’s na mag-remit ng kanilang dividend sa National Treasury.

Samantala, pinuri ng Pangu¬lo ang mga GOCC’s sa mataas na remittance nito particular ang Philippine Reclamation Authority (PRA) na sa kasaysayan ay ngayon pa lamang umabot sa P2 bilyon ang remittance nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.